- Harmonya UPLB
- Feb 17, 2021
- 1 min read
Isang kagalakan sa amin na ibahagi ang balitang opisyal nang inilunsad ang E-learning center ng Kanlungan Pilipinas Movement Inc. at ng Harmonya UPLB, ang Balay Kanlungan para sa Karunungan. Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong sa proyekto na ito!
"Magandang Buhay!
Mula sa lahat ng Kanlungan Pilipinas Movement Volunteers at sa mga Chikiting ng Brgy. Macabugos, Libon, Albay, maraming maraming salamat Harmonya.
Sa ilan beses na zoom meeting namin nila Studd, Sharmaine, Ezekiel, at Hans, hanggang sa paggupit ng ribbon sa pintuan ng E-Learning Center, nagkaroon ng magandang resulta ang ating paghihirap.
Sa bawat kalabit sa mga kwerdas, musika ng pangarap ng isang munting bata ang inyong binuo. Sa bawat piso na naiambag ng bawat donor, isang pako ang naipukpok para sa kubo.
Sa nalikom na pondo nung nakaraang Namamasko Po! nais namin ipabatid na hindi lang ang pagkakaroon ng Balay Kanlungan ng Karunungan sa Libon ang naitayo, kundi may isa pang E-Learning Center ang inyong napondohan para sa taong ito. Opo, malaki ang naitulong ninyo para magkaroon ng dalawang Balay para sa mga bata.
Nagnanais ang mga taga-Macabugos na marinig ng personal ang inyong musika at makapagpasalamat. We're looking forward para sa marami pang partnership between Harmonya and Kanlungan. Ang Ama na po ang bahalang magbigay magandang harmonya naman sa inyong buhay.
Sumasaludo sa kabutihan ng inyong mga puso,
Kuya KYUT Founder and Chairman Kanlungan Pilipinas Movement
- Harmonya UPLB
- Jan 23, 2021
- 1 min read
Manigong bagong taon!
Maraming salamat sa lahat na tumulong sa gagawing pagpapatayo ng proyekto ng Kanlungan Pilipinas Movement Inc. at ng Harmonya UPLB, ang Balay Kanlungan para sa Karunungan. Ang inyong donasyon ay ipinaabot na sa ating mga benepisyaryo noong Disyembre 28, 2020, at ang construction ng E-learning center sa Libon, Albay ay sinisimulan na!
Ang coco lumber at anahaw na gagamitin sa pagtatayo ng kubo.

Pag-uusap ng LGUs para sa pagtatayo ng e-learning center.

Ang signing ng MOA para sa lupa sa baranggay na pagtatayuan.

- Harmonya UPLB
- Dec 25, 2020
- 1 min read
Updated: Dec 27, 2020
Lubos ang aming pasasalamat sa mga sumusunod na sponsors at donors na tumulong sa gagawing pagpapatayo ng Balay Kanlungan para sa Karunungan, isang proyekto ng Kanlungan Pilipinas Movement Inc. at ng Harmonya UPLB para sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly at Ulysses sa Libon, Albay.
COMPANY SPONSORS Danielito's Kitchen Vickery MNL
NINONG/NINANG SPONSORS UP Rodeo Club UPLB Choral Ensemble Rotaract Club of Quezon City Central UPLB Chemical Kinetics Society
MAJOR MEDIA PARTNERS INQ Subscription LB Times TAYO as ONE Para Sa Sining Rise for Education - UPLB UP Broadway Company UPLB Industrial Engineering Students' Organization UP SAVER
MINOR MEDIA PARTNERS UP Silakbo Radyo Iskolar UPLB Engineering Society Gamma Sigma Fraternity PHYSIKA, UP Applied Physics Society UP Painters' Club UPLB Grange Association PICE - UPLB Student Chapter UP Conemus
SPECIAL THANKS TO UPLB Office of Public Relations College of Agriculture and Food Science, Office of the Dean Institute of Mathematical Sciences and Physics, College of Arts and Sciences Department of Science Communication, College of Development Communication Department of Economics, College of Economics and Management
Maraming salamat din sa mga Individual Sponsors, Alumni Donors, at sa mga nag-donate na hindi ninais magpakilala para sa proyekto na ito.
Pub by: Kath Arquio