Kanlungan Update!
- Harmonya UPLB
- Feb 17, 2021
- 1 min read
Isang kagalakan sa amin na ibahagi ang balitang opisyal nang inilunsad ang E-learning center ng Kanlungan Pilipinas Movement Inc. at ng Harmonya UPLB, ang Balay Kanlungan para sa Karunungan. Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong sa proyekto na ito!
"Magandang Buhay!
Mula sa lahat ng Kanlungan Pilipinas Movement Volunteers at sa mga Chikiting ng Brgy. Macabugos, Libon, Albay, maraming maraming salamat Harmonya.
Sa ilan beses na zoom meeting namin nila Studd, Sharmaine, Ezekiel, at Hans, hanggang sa paggupit ng ribbon sa pintuan ng E-Learning Center, nagkaroon ng magandang resulta ang ating paghihirap.
Sa bawat kalabit sa mga kwerdas, musika ng pangarap ng isang munting bata ang inyong binuo. Sa bawat piso na naiambag ng bawat donor, isang pako ang naipukpok para sa kubo.
Sa nalikom na pondo nung nakaraang Namamasko Po! nais namin ipabatid na hindi lang ang pagkakaroon ng Balay Kanlungan ng Karunungan sa Libon ang naitayo, kundi may isa pang E-Learning Center ang inyong napondohan para sa taong ito. Opo, malaki ang naitulong ninyo para magkaroon ng dalawang Balay para sa mga bata.
Nagnanais ang mga taga-Macabugos na marinig ng personal ang inyong musika at makapagpasalamat. We're looking forward para sa marami pang partnership between Harmonya and Kanlungan. Ang Ama na po ang bahalang magbigay magandang harmonya naman sa inyong buhay.
Sumasaludo sa kabutihan ng inyong mga puso,
Kuya KYUT Founder and Chairman Kanlungan Pilipinas Movement
Comentarios